I just got some information that my College Classmate/seatmate/ka-kopyahan is now a Makati Yuppie. Pareho kami ng oras ng out sa work kaya ano pa ba ang gagawin namin, syempre carpool na to!
He still got my number so he shoot me a message na naghihintay na siya sa tapat ng KFC sa may building main. Pagbaba ko galing sa ramp from the 2nd floor parking, sumakay na siya sa passenger seat.
Kwentuhan to da max.
After about 3 years na hindi kami nagkita, eto kami ngayon, punung puno ng mga pangarap at mga plano sa buhay. Kumustahan kung asan na ang ibang mga kaklase at kwentuhan and updates tungkol sa lovelife ko, niya, at ng iba pa.
Sino na ba ang kinasal na? Sino ba ang may mga anak na? Saan na nagtatrabaho si ganito? Si ganyan? Andami naming mga tanong na hindi lahat masasagot sa loob ng isang oras na paglalakbay.
Nahihiya pa siyang ihatid ko siya sa doorstep nila, pero nag-insist ako dahil sure ako na kapag nagulit pa ito, magshi-share na siya sa gasolina. Para saan pa ba ang carpool kundi lang din doon.
Pero mabilis siyang bumawi. He works for Solar Entertainment now at marami rin silang perks. Nag-share na kagad siya ng blessings niya. Bago siya bumaba sa sasakyan, inabot niya sakin ang tshirt na to:
Hindi na ako nagdalawang isip pa, tinanggap ko ang munting regalo. Hindi ako ang tipong tumatanggi sa grasya.
Basta Medardo Deacosta III, wag mo na isipin ang gasolina sa ngayon, nakabawi ka na kagad e. Mga tatlong hitch pa sa akin bago kita singilin ulit.
Masarap talagang makakita ulit ng kakilala mo. Alam mo kasing may iba silang perspective tungkol sa iyo at marami na rin kayong pinagsamahan.